In Mactan, Cebu, there is a marker there with the inscription:
"Here on 27 April 1521, Lapulapu and his men repulsed the Spanish invaders, killing their leader Ferdinand Magellan. Thus Lapulapu became the first Filipino to have repelled European aggression."
Ngayon, ako ay magbabahagi lamang ng isang kuwento. May nakilala ako na isang Cebuano, sabi niya hindi tama ang kasulatan na ito - hindi pa "Filipino" si Lapu-Lapu noon kasi hindi pa nga "Filipinas" ang tawag sa mga kapuluan natin at wala pang bansa na "Filipinas" nung nangyari ito. Siya ay "native Filipino" pero hindi siya kailan man ay opisyal na naging Filipino. Anya, hindi daw ba ang pinaglalaban nga sana ni Lapu-Lapu noon laban sa puwersa ng Portuges na si Magellan at ang mga Kastila ay ang huwag tayo masakop ng mga banyaga at tuluyang mabansagan ng pangalang banyaga. Nanalo ang katutubong si Lapu-Lapu sa digmaan na ito ngunit hindi daw ba na ang mga tunay na panalo ay ang silang sumakop sa atin ng mahigit tatlong daang taon at ang nagbansag ng pangalan at nagtatag ng kolonya na ngayo'y bansa na "Filipinas," pati na din daw ang mas tanyag sa buong mundo ngayon na si Magellan. Marahil ang mas angkop na kasulatan dito ay
"Here in Mactan on 27 April 1521, Rajah Lapulapu and his 1500 men repulsed the then down to 50-man Spanish crew of Ferdinand Magellan who were trying to convert Lapulapu and his men to Christianity but were defeated instead, and their leader Magellan killed, after sailing across the Atlantic thru South America and then thru the Pacific, and who had just earlier converted Rajah Humabon of Cebu. Thus Lapulapu and his army became the first native Filipino to have repelled this Western attempt at evangelization."
Subalit totoo ngunit mahaba ang paliwanag na ito, marahil ay pinaikli na lamang ito sa nakikitang nakasulat sa pananda na ito.
No comments:
Post a Comment