Monday, August 23, 2010
[who is ronjie?] kinakatakutan ko sa naspi
wala lang. ang pinakatakot ako sa pinas, sa mga lespu. mawalang galang na ho sa mga kaibigan nating lespu diyan o sa mga may kamag-anak na lespu. sa akin, hindi bale kung may ginawa talaga akong mali, e di hulihin nila ako at ipakulong. kaso kung minsan may abuso pa na wala na sa ayos. minsan naman wala ka namang ginagawa, bigla ka na lang mapagtitripan, wala ka na. may mga kakilala ako na ganon mismo nangyari sa kanila. e shempre anong gagawin mo kung ikaw ang hinihingian ng pera at inuutusan na pumunta kung saan e sila ang may baril at wala tayong laban dahil ordinaryong mamamayan na nagsusumikap lang naman tayo. ayaw naman nating maputukan o bigla na lang "mawala" dahil meron tayong mga mahal sa buhay na magaalala o nakasalalay sa atin, at umaasa na tayo mismo ay walang ginagawang mali. sa akin naman, dalawang beses na ako hinarang ng pulis maynila dahil daw "lumabag" ako sa "batas pantrapiko" na kakaimbento lang nila nung mismong mga kasulukuyang iyon! minsan naman, may pulis na pumarada ng kanyang sasakyan na paharang na sa masikip naming kalsada. aba nung paalis ako e di pinakiusapan ko na baka pwedeng iurong muno ang sasakyan nang ako ay makalusot. inurong niya nga ang kanyang sasakyan. ngunit pagka-parada niya muli, aba ay biglang inusog niya sa gilid ang kanyang polo at nagpakita ng baril! tanggalan kaya ng baril ang mga pulis? siguro sa "galing" nila mang-extort at kung anu-ano pang katiwalian, dapat lang kaya nilang mapanatili ang kapayapaan ng walang baril! anyway, naayos yung mga pangyayaring yon sa akin dahil nagkataon may mga kakilala kami na silang kumausap dun sa mga yon. pero hindi ko alam kung bakit kelangan may kakilala ka pa para mapayapa ka lang? hindi yata motto ng kapulisan natin ang "to serve and to protect" - o siguro hindi ito para sa ating lahat. mukhang "to serve" ang kanilang sarili lang at "to protect" kung sino lang ang may kaya o may kakilala sa kanila. naiintindihan ko na maraming masasamang elemento talaga at dahil na din sa kahirapan, pero dahilan ba yon? dapat sa mga masasamang elemento lang kami matakot, hindi sa inyo, mga kumpareng lespu. takot ako, takot ako talaga sa inyo. pero hindi ko rin naman sinasabing sa bansa lang natin ito, pero kung pwede, sana lang maayos na ang imahe ng kapulisan sa atin. pero hindi porkit nangyayari ito sa ibang bansa e ibig sabihin ayos lang ito sa atin ha! kung hindi, mas tiwala pa ako sa hukbong sandatahan natin dahil sila mas may pagpapahalaga sila sa buhay dahil linalagay nila ang kanilang buhay mismo sa kapahamakan. ano ang palagay niyo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment