Eheads ang pinaka-iconic Pinoy band sa palagay ko, pero sila 1 beses ko lang pinanood at siguro yung first 3 albums lang nila ang binili ko. Pero kasi yung musical abilities, song-writing, and performances ng Side A ay ibang level.
Ngayon lang ulit ako "nagbalik-loob" sa Side A at ngayon ko lang nalaman na iba na pala ang line-up nila; wala na si Kelly, Joey G at Joey B. Pero ito ang na-realize ko din sa Side A ngayong 2023 - mahina ang social media presence nila. Sayang, mas kilala pa siguro sila lalo na internationally, pero I guess hindi nila talaga aim yon. Or mahina ang marketing support behind them, including yung pag-handle ng media in general. Napanood ko ang interview ni Boy Abunda kay Joey G 9 years ago -- medyo underwhelming ang mga sagot ni Joey G. Pwedeng ang dahilan noon ay ang mga tanong ni Boy or ang production team (hinanda ba nila si Joey G sa mga tanong or on the spot talaga?). Or baka hindi lang talaga strength ng Side A ang media handling (or ayaw nila; hindi nila prayoridad iyon).
Kasi nga mga henyo talaga sila pagdating sa musika, at siguro kontento sila sa mga buhay at pamilya nila sa labas ng musika. And maybe selfish on my part - I just want to see more of Side A.
No comments:
Post a Comment