Subject : NAAALALA KO PA!
NOTE: English translation at the end in italics;
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa
paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay,
kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa
umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o
munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa
kanila ay Maestro/a:
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo
kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para
mag-picnic, o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's
office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos,
makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo
kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi
binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit
ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga
gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan
lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang
makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga
bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste,
gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris,
Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para
makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa
palakang saging dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot
mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi
nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high
technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming
napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga
lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat
ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang
nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag
maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan
ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado natin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo,
lundagan sa kama ;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib
ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o
buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro
dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o
pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O
kaya ang lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng
bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa
"berdugo" at sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi
may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay
-alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang
libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng
apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag
isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang
isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli
ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na
amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon
ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis
ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na
yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang
ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa
dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino
ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de
almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang
pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa
kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras
tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag
buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso
tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit
na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig
sabihin lang niyan ay.......... ...
MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka
maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para
maalala din niya at mangiti rin siya.
Translation : I CAN STILL REMEMBER!
Mother is at home when we get back from school;
In our neighborhood, our homes do not have gates or fences; if there was, fences were made of gumamela flower plants;
We only had 10 centavos in our pockets; 5 centavos for use in the morning, and 5 centavos in the afternoon;
There was something for free found in the sticks of ice drops: coconut or monggo beans.
There was high respect for school teachers and they were called Maestro or Maestra:
Water wasn't bought; you can drink from someone you didn't know.
It was a big thing to be able to go to the river or to the tumana for a picnic;
It was an extreme case already when you're called to the principal's office, or it would be very embarrassing if you flunk the exams;
People had simple dreams: finish school, get married, and get children to finish school;
You can just leave your car anywhere and entrust it to a stranger; Willy's-type jeeps didn't even have locks back then.
We had toys that we made, not bought: toy trucks with a body made of rosebowl and tires made of darigold, scooter ("sketeng") bearings with squeaky tires and 5 cm (1/4") nails as brakes, tambourines made of flattened bottle tin caps with just 2 holes in the middle for thread to go through (can be even used for lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, etc.
The adults didn't mind us when the kids are at play - exactly because it is play.
There were many popular games and many can play along: laste, spiders, spinning tops, tatsing tin cans;
We would use used Philip Morris, Malboro, Champion cigarette packages as play money;
There was some kind of sticky ink at the tip of a stick you're using to catch dragonflies, you would grab tetot frogs, but you would be careful of banana frogs because you might get a wart from holding them;
Your Spartan rubber slippers/thongs have a hole already in the sole - but you're still wearning it;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
During today's modern times and will all the advances in high technology.. . don't you sometimes dream... about how fun and happy it was back in the old days!
If only we can bring it all back...
Now we fear a lot of things. Because many are killed, or kidnapped, and there are many drug addicts and people with bad intentions...
Back then we were just afraid of our parents and grandpa and grandma. But now we realize... that they really did just love us and that they did not want us to get hurt or go on with life in the wrong direction.
that they're the first one to get hurt when they spank us...
Let's go back to the past for one bit...
Before there was the internet, computers, and cellphones.
When there were no illegal drugs and shopping malls.
Before Counterstrike and Nintendo Gameboys became popular.
Back then, there... We...
I point to the harang taga or tumbang preso when the moon is bright;
Covering the eyes but peaking through the fingers to watch the scary parts of "Mga Aninong Gumagalaw" ("Moving Shadows")
We raced each other to answer multiplication questions using the Multiplication Table that we have memorized, because there were no calculators back then.
After climbing trees, setting-up the bed nets (kulambo) to protect us from mosquitoes, and jumping up and down the bed,
When we make tikwas or get water from the well; a small basin is what guys used to get water and ladies would carry the pails of water on their heads;
There's pag-inaasbaran of the suburbs;
We shiver when the yantok-mindoro or buntot-page come out.
Where you put in a sack? Or did you secretly put in your pants cartons to protect your back/behind from the spanking belt or slipper?
Filtering stones from the rice; Play store but selling just leaves; Play house all made of cartons; did you ever sell ice candy or pandesal bread back then?
We raced until we ran out of breath; we laughed until our stomachs ached;
Are there still himbabao, kulitis and pongapong? Or maybe the lukaok, susuwi and swords?
You would hear "Susmaryosep" when someone's bathing a kid...
"Estigo santo" when you get blessing by the hands of an elder.
You would get exhausted with playing, and sometimes get spanked; you would be afraid of
"berdugo" and "kapre";
We were so happy when Dad's fighting cock lost because we know we have Tinola for lunch!
And your crush?
During recess: you would select a bread from the container - alembong, taeng-kabayo or biscocho?
You would give Vicks as change when you run out of coins (and it comes with a free ring) or maybe some nougat or caramel;
If you want - pakumbo or kariba, although it's better if it's inuyat;
We would use Puriko oil, and your face is charcoaly already because you ran out of air trying to blow at the flame to make it larger for barbecuing.
And there's more...
Hand-crushed tomatoes taste better, particularly when the juice flows out in between your fingers; for that perfect sauce, you dip palutong in vinegar with chili; you would eat duhat (black plum) after letting it "swim" in salt in your hands for a few seconds; you suck on each of your fingers to wipe them all clean of rice...
Halo-halo: ice, sugar and milk are the only ingredients;
You walk akwardly and you're wearing a skirt because you're newly circumcised; or you look for chalk because your monthly period is a big red dot in your school uniform.
You would use as lipstick some papel de hapon;
Classic shavers (Labaha) is used for that white-side-wall haircut;
(Hmmm, this is too long to translate. Come back again soon!)
Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na
amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon
ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis
ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na
yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang
ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa
dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino
ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de
almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang
pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa
kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras
tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag
buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso
tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit
na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig
sabihin lang niyan ay.......... ...
MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka
maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para
maalala din niya at mangiti rin siya.
No comments:
Post a Comment